Zia Quizon – Katulad Ng Iba Lyrics

Zia Quizon Lyrics

“Katulad Ng Iba”

Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina

Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas

Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina

Mata mo’y iyong buksan, bumangon ka at makialam

Paggising sa umaga parang ayaw kong bumangon

Ayoko nang maligo, tapos na ko kahapon

Ubusin ang almusal, binabagalan lumamon

Hindi natutuwa kahit pa dagdagan ang baon

Palaging walang kibo, tahimik sa gabi Hindi ako nakatulog ng magdamag buong gabi

Bilisan mo nang kumilos baka ka mahuli Anak bakit ka tulala?

Lumalamig na ang kape

Di ko alam ang gagawin, ayoko ng pumasok

Hindi naman mabaho, bakit nakakasulasok?

Merong mga nangyayari satin sa paaralan Hindi bukas makalawa, ngayon dapat solusyon

Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina

Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas

Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina

Mata mo’y iyong buksan, bumangon ka’t makialam

Ano’ng iyong napapala pagnanapak ka sa mukha?

Maliliit tinatabunan ng tadyak sabay dura

Laging pinapagtulakan hanggang sila’y madapa

Na parang di mo alam ang salitang mapagkumbaba

Unipormeng maputi, papahiran ng dumi Pinunit ang takdang aralin kong tinapos kagabi

Minsan ako’y napapa-isip, di ko maisang tabi

Pakikipagkapwa tao ba sayo ay guni-guni

Kaibigan isa lamang ang dapat mong tandaan

Nawa’y ang putik mong tinapakan ay di ka balikan

Dahil ang nagmamataas, kahit na may dahilan Ay ang siyang nadudulas upang lupa’y halikan

Ang ibinababa ang siyang tinataas

Ang nagmamataas ang siyang nadudulas

Ang ibinababa ang siyang tinataas

Ang nagmamataas ang siyang nadudulas

Tayo’y maging mapagmasid tulungan natin sila

Wag tayong maging manhid na katulad ng iba