Yassi Pressman – Sa Wakas Lyrics

Yassi Pressman Lyrics

“Sa Wakas”

Kay lambing ng hangin

Nakangiti ang mga labi

Mga pusong umaawit

Sumasabay ang langit

Natunaw na ang hapdi

Bumitaw na ang gabi

Maliwanag na tayo din sa huli

Pag-ibig ang nagwagi

Ikaw lang pala, sa ‘yo lang pala

Mahahanap ang lunas

Wala nang iba, eto na pala

Ang pangarap kong bukas

Magpakailan pa man

Puso’y sa ‘yo lang ilalaan

Magpakailan pa man

Sa buong mundo, ipapaalam

Ikaw na, ikaw nga, ikaw lang

Naiintindihan ko na

Lahat ng sakit na nadama

Natagpuan na ang bagong simula

Kasama ka na, wala nang kaba

Ikaw lang pala, sa ‘yo lang pala

Mahahanap ang lunas

Wala nang iba, eto na pala

Ang pangarap kong bukas, oh, oh

Magpakailan pa man

Puso’y sa ‘yo lang ilalaan

Magpakailan pa man

Sa buong mundo, ipapaalam

Ikaw na, ikaw nga, ikaw lang

Sang-ayon ang mga bituin sa langit

Pati ang duda at ang mga bakit

Habang naglalapit ang mga labi

Hindi na ‘to kunyari, ikaw nga ay akin

Ikaw na (ikaw na), ikaw nga (ikaw nga)

Ikaw lang (ikaw lang), magpakailan pa man

Ikaw na (ikaw na), ikaw nga (ikaw nga)

Ikaw lang (ikaw lang)

Magpakailan pa man (magpakailan pa man)

Puso’y sa ‘yo lang ilalaan (sa ‘yo ilalaan)

Magpakailan pa man (magpakailan pa man)

Sa buong mundo, ipapaalam (ooh-ooh)

Ikaw na, ikaw nga, ikaw lang

Ikaw na, ikaw nga

Ikaw lang, magpakailan pa man

Ikaw na, ikaw nga

Ikaw lang, magpakailan pa man