Willie Revillame – Nando'n Ako Lyrics

Willie Revillame Lyrics

“Nando’n Ako”

Sa bawat ihip ng hanging dumadampi sa ‘yo

Sa bawat sikat ng araw na halik sa pisngi mo

Sa bawat buhos ng ulan na ang dala’y walang-hanggan

Naroroon ako kailan pa man

Sa bawat ilog at dagat na ‘yong lalanguyan

Sa bawat ningning ng bituing nang-aakit ang kinang

Sa bawat bundok at parang, maging hanggang kalangitan

Nando’n ako, hindi ka iiwan

Nando’n ako kahit pa may unos man at bagyo

Nando’n ako at ‘di mawawala sa piling mo

Nando’n ako hangga’t pumipintig ang puso ko

Nando’n ako, kasama mo, nando’n ako

Sa kalungkutan, maging kasiyahan

Makakasama mo ako’t hindi ka iiwan

‘Pagkat ang pag-ibig ko’y tanging ikaw lamang

Dadalhin ko hanggang kailan pa man