Tootsie Guevara – Sabi Na Nga Ba Lyrics

Tootsie Guevara Lyrics

“Sabi Na Nga Ba”

Sabi mo, ako’y tunay mong minamahal

Sabi mo, pag-ibig natin ay magtatagal

Ngunit, bakit ang damdamin mo’y para bang hindi nasa ‘kin?

Walang init gabi natin na kay lamig

Sabi mo, ‘di na ‘ko luluha pang muli

Sabi mo, iibigin mo bawat sandali

Hanggang langit ang ligaya t’wing nakakasama ka

Parang hangin ang pangako’y sadyang umalis

Sabi mo, ika’y magbabalik

Sabi mo, ‘di na magtitiis

Hanap lagi ka ng puso kong

Nabulag at may hinagpis

Sabi mo, ako’y ‘di pagpapalit

Ba’t ngayon mayro’n ka nang kapiling?

Sabi na nga ba

May mahal ka nang iba

Sabi mo, ika’y magbabalik

Sabi mo, ‘di na magtitiis

Hanap lagi ka ng puso kong

Nabulag at may hinagpis

Sabi mo, ako’y ‘di pagpapalit

Ba’t ngayon mayro’n ka nang kapiling?

Sabi na nga ba, sabi na nga ba

Sabi na nga ba

May mahal ka nang iba