Tito Vic And Joey – Special Ramble Lyrics

Tito Vic And Joey Lyrics

“Special Ramble”

Walang iba pang sasaklap sa pagtitinginan natin

Mabuti pa’y ito’y magwakas, ‘di ka nakikinig sa ‘kin

Ang pagligo ay lagi mong nalilimutan

Pangako ko naman na ‘di na kita hahagkan

Magpakailanman

Ang amoy mo, darling

Ay maalinsangan

Amoy langka kung minsan

‘Pagkat ang iyong balahibo, ang kapal sa underarm

Ooh, ahh, ahitin mo

At lagyan ng pulbo, ahaha

Ahh, ahitin mo

At nakakahilo

Ang baho mo

Bwiset

Alright

Whoo, yeah

More from the ESQ, ESQ to the rescue

Bira, whoo, alright, ah

Ang pagsasayaw, pagsayaw ng borles

Lalong nag-iinit habang nagtatanggal (hoy)

Naku po, sorry po

Yeah

Oh

Oh, babe, isang buwan pa lang

Tayo buhat ng ikasal

Ngunit bakit ika’y ganyan?

Tiyan mo ngayon ay siyam na buwan

Oh, babe, sabi nila’y bagay tayong dalawa

Bagay tayong mag-asawa

‘Pagkat ika’y isang humay

Ako nama’y isang butal

Wow, okay bekang

Siya’y isang lalaking makisig

Kay ganda ng mukha at tindig

Tuwing nagdaraan ang lalaking ito, kami’y nawawala sa aming damit

Siya pala’y isang manunungkit

Balat-buto na lang itong si Mang Undo

Nakangiti kahit na puro buto

Malalim ang mata, may bulak sa ilong

Ngunit paglapit mo’y buhay ito

Alright, alright, whoo

Let’s go

Aso’t pusa

Ulam namin ‘pagkat kami ay walang makain

Pa-chibog naman oh

Alright, ready boy, okay ready

Yeah

Ang suot niya ay bagong terno

At ang kanyang mga mata’y nakapikit (bulag ata)

Banaag mo sa kanyang mukha ang bagong meyk-up

Siya ay bangkay na

Lalamay kami (kape, kape, kape, pandesal, keso ha, hogcrackers)

Sige na pare, magpupugay na tayo ng todo

Sa pagtapat mo lang ng kamay mo sa mukha ko

Pikit mo ang mata at isipin mo na lang na war ka na

Gamot sa taong may problema ay bugbugan (gyera)

Tayo ay magsapakan, tadyakan sa bakal

Tayo’y magsasampalan, tadyakan sa bakal

Tadyakan, tadyakan, puntalan ng puntalan

Sabay-sabay tayo magsasapakan

Aray ko, aray ko

‘Wag, ‘wag

Naku

Aray ko

Suntukan na, bugbugin niyo