Singsing – Oh Babe Lyrics

“Oh Babe”

by Singsing

Oh babe, isang tingin mo lang

Para na ‘kong tinutunaw

‘Pag ika’y lumapit na

Ang dibdib ko’y puro kaba

Oh babe, isang halik mo lang

Ang mundo ko’y nagugunaw

‘Pag ako’y niyakap mo

Kalas lahat ang buto ko

Oh babe, ako ay talagang patay sa’yo

Sa true love mo ako mahihimlay

Babe, ano nga ba’ng tunay na sikreto mo

At ako ay nabihag mo nang husto

Oh babe, isang ngiti mo lang

Pawi na ang aking uhaw

H’wag ka lamang tatawa

Baka ako’y malunod na

Oh babe, ako ay talagang patay sa’yo

Sa true love mo ako mahihimlay

Babe, ano nga ba’ng tunay na sikreto mo

At ako ay nabihag mo nang husto

Oh babe, isang ngiti mo lang

Pawi na ang aking uhaw

H’wag ka lamang tatawa

Baka ako’y malunod na