Sarah Geronimo – Tala Lyrics

Sarah Geronimo Lyrics

“Tala”

Tala, tala, tala

Ang ningning ng mga tala’y nakikita ko sa ‘yong mga mata

Tala, tala, tala

Ang ningning ng ‘yong mga mata’y nahanap ko sa mga tala

Siguro nga, masyadong mabilis ang pagyanig

Ng puso ko para sa puso mo

Siguro nga, ako ay makulit, ayaw makinig

Sa takbo ng isip, hindi ko maipilit

Tila ako’y nakalutang na sa langit

Ngunit nalulunod sa ‘yong mga ngiti

At kung hanggang dito lang talaga tayo

Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka

At kung umabot tayo hanggang dulo

Kapit lang nang mahigpit, aabutin natin ang mga tala

Tala, tala, tala

Ang ningning ng mga tala’y nakikita ko sa ‘yong mga mata

Tala, tala, tala

Ang ningning ng ‘yong mga mata’y nahanap ko sa mga tala

Maaaring kinabukasan ay mag-iba ng

Ihip ng iyong ninanais

Ngunit maaari bang kahit na pansamantala lang

Ikaw muna’y maging akin?

Tila ako’y nakalutang na sa langit

Ngunit nalulunod sa ‘yong mga ngiti

At kung hanggang dito lang talaga tayo

Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka

At kung umabot tayo hanggang dulo

Kapit lang nang mahigpit, aabutin natin ang mga tala

Tala, tala, tala

Ang ningning ng mga tala’y nakikita ko sa ‘yong mga mata

Tala, tala, tala

Ang ningning ng ‘yong mga mata’y nahanap ko sa mga tala

Hindi man ako nilagay

Sa mundong ito para sa iyo

Parang nakatingin ang buong daigdig

‘Pag ako’y yakap-yakap mo, oh

At kung hanggang dito lang talaga tayo

Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka (hindi pababayaan)

At kung umabot tayo hanggang dulo

Kapit lang nang mahigpit, aabutin natin ang mga tala

Tala, tala, tala

Ang ningning ng mga tala’y nakikita ko sa ‘yong mga mata

Tala, tala, tala

Ang ningning ng ‘yong mga mata’y nahanap ko sa mga tala

Oh (oh), oh (oh)

Ang ningning ng mga tala’y nakita ko sa ‘yong mga mata

Nakikita ko sa ‘yong mga mata (sa ‘yong mga mata)

Ang ningning ng ‘yong mga mata’y nahanap ko sa mga tala