Sarah Geronimo – Isa Pang Araw Lyrics

Sarah Geronimo Lyrics

“Isa Pang Araw”

Akala ko hindi na darating ang panahon

Na liliwanag ang daang nasisilayan ko

Sa libo-libong taong nangangarap

Binigyan mo ako ng pagkakataon

Kung mababago ang landas na tatahakin ko

Ikaw pa rin ang hahanapin ng puso ko

Sa bawat sandaling kasama kita

Binigyan mo ng buhay ang aking mundo

Dumadaan ang araw

‘Di mo namalayang naubusan ka ng oras

Pwede bang humiling

Isa pang araw na ikaw lang ang kasama?

Kulang na kulang ang panahon

‘Di sapat ang mayro’n tayo ngayon

Pwede bang humiling, isa pang araw?

Hindi ko napansing unti-unting nawawala

Ang kaba sa ‘king dibdib

Bawat minutong nakapiling kita

Tumatapang ako nang dahil sa ‘yo

Dumadaan ang araw

‘Di mo namalayang naubusan ka ng oras

Pwede bang humiling

Isa pang araw na ikaw lang ang kasama?

Kulang na kulang ang panahon

‘Di sapat ang mayro’n tayo ngayon

Pwede bang humiling, isa pang araw?

Sa pagsikat ng araw, ikaw ang laging hanap

Sa pagpalit ng buwan, sana ikaw pa rin ang tangan

Kulang na kulang ang panahon

‘Di sapat ang mayro’n tayo ngayon

Pwede bang humiling, isa pang araw?

Dumadaan ang araw

‘Di mo namalayang naubusan ka ng oras

Pwede bang humiling

Isa pang araw na ikaw lang ang kasama?

Kulang na kulang ang panahon

‘Di sapat ang mayro’n tayo ngayon

Pwede bang, pwede bang

Pwede bang humiling, isa pang araw?