Sarah Geronimo – Alam Lyrics

Sarah Geronimo Lyrics

“Alam”

Sinusulit bawat saglit

Mga nakaw nating sandali, oh

Nananabik nang palihim

Kasalanan ba ang humiling na

Malaya kang makapiling

Sa paghimbing at paggising

‘Di na kailangang sabihin

Paalam, nagpaalam ba?

Ikaw ang tanging tahanan

Na uuwian ko bawat araw-araw

At habang buhay na

Paano ba?

‘Di nila alam, ‘di pinapaalam (ooh)

‘Di na kaya pang magtagu-taguan (ooh)

‘Di ba pwede na magmahalan na (ooh)

‘Di lang tayo ang tanging may alam (ooh)

Pa’no ipagsisigawan (oh-oh, oh-oh)

Na ikaw lang ang gusto at kailangan?

(Oh-oh, oh-oh) ikaw lang

Pa’no ko isisigaw sa lahat na

Ika’y akin, kung mundo ang kalaban?

Pa’no ba ipaglalaban? Laban ‘to kung

‘Di nila alam, ‘di pinapaalam (oh)

‘Di na kaya pang magtagu-taguan (oh)

‘Di ba pwede na magmahalan na (oh)

‘Di lang tayo ang tanging may alam (oh)

Nag-aabang na dumating

Ang araw na hinihiling ko (yeah)

Malaya nilang maririnig (oh)

Ang sinisigaw ng dibdib ko

Ikaw aking napili (oh)

Sa ‘yo lang mananatili (oh)

‘Di na kailangang ilihim

Na sa akin ka, sa ‘kin lang

Gusto ko nang ipangalandakan

Nang walang pag-aalinlangan (oh-oh)

Ikaw na ikaw lang

Pero pa’no ba?

‘Di nila alam, ‘di pinapaalam (‘di nila alam)

‘Di na kaya pang magtagu-taguan (sa liwanag ng buwan)

‘Di ba pwede na magmahalan na (gusto kang mahalin)

‘Di lang tayo ang tanging may alam (oh)

Pa’no ipagsisigawan (oh-oh, oh-oh)

Na ikaw lang ang gusto at kailangan?

(Oh-oh, oh-oh) ikaw lang

Pa’no ko isisigaw sa lahat na

Ika’y akin, kung mundo ang kalaban?

Pa’no ba ipaglalaban? Laban ‘to kung

‘Di nila alam, ‘di pinapaalam (whoa)

‘Di na kaya pang magtagu-taguan (oh)

‘Di ba pwede na magmahalan na (oh)

‘Di lang tayo ang tanging may alam (oh)

Alam kong sawa ka nang itago ang tayo sa kanila

Ako rin naman, hindi mo alam ako’y matagal nang handa

Na ipaglaban ka kahit kanino, handa ka samahan

Kahit ilang kilometro man ang ating lalakbayin

‘Gang sa makarating ‘di ka bibiguin

Dahil sa totoo lang wala naman sa ‘kin ibang

Mahalaga ikaw lang, kahit ano pang

Sabihin nila ‘la kong pakialam

Kung ‘di madali ang piniling tahakin

Pero tibayan lang natin ang kapit

May mabigat mang nakasabit

‘Wag kang mangangawit

‘Yung tayo ang mahalaga

‘Di nila alam, ‘di pinapaalam (‘di nila alam)

‘Di na kaya pang magtagu-taguan (sa liwanag ng buwan)

‘Di ba pwede na magmahalan na (gusto kan mahalin)

‘Di lang tayo ang tanging may alam (oh)

Pa’no ipagsisigawan (oh-oh, oh-oh)

Na ikaw lang ang gusto at kailangan?

(Oh-oh, oh-oh) ikaw lang

Pa’no ko isisigaw sa lahat na

Ika’y akin, kung mundo ang kalaban?

Pa’no ba ipaglalaban? Laban ‘to kung

‘Di nila alam, ‘di pinapaalam (oh)

‘Di na kaya pang magtagu-taguan (oh)

‘Di ba pwede na magmahalan na (ooh)

‘Di lang tayo ang tanging may alam (ooh)