Sam Concepcion – Bukas Makalawa Lyrics

Sam Concepcion Lyrics

“Bukas Makalawa”

Sadyang mapaglaro ang palad ko’t tadhana

Puso’y napadpad sa ‘yo at ‘sinawalang-bahala

Mga tanong, mga babala, dagling binigay ko ang lahat

Kahit itong puso’y ‘di handa, ako ay umibig sapagkat

Ako’y susubok kahit ‘di sigurado, whoa, oh

Kung bukas makalawa, ikaw ba ay nandito pa?

O bukas makalawa, tuluyan nang maglalaho’ng mga hiram na sandali

Pa’no tayo bukas, bukas makalawa?

Sadyang mapaglaro ang takbo ng buhay natin

Baka kung kailan pa ako ay nahulog na’t bawiin

Sa ‘kin itong puso mong handa na ring binigay sa ‘kin ang lahat

Ang mga tanong, mga babala, nanunumbalik sapagkat

Ako’y sumubok kahit ‘di sigurado, whoa, whoa

Kung bukas makalawa, ikaw ba ay nandito pa?

O bukas makalawa, tuluyan nang maglalaho’ng mga hiram na sandali

Pa’no tayo bukas? Pa’no tayo bukas makalawa?

Ikaw ba ay nandito pa?

O bukas makalawa, tuluyan nang maglalaho’ng mga hiram na sandali

Pa’no tayo bukas, bukas makalawa?