ALA-ALA KITA
Romeo Miranda
Sadyang kay tamis ng umibig
Puso’y lagi nang kay saya
Lahat ng araw ,ala ala kita
Ikaw ang tibok ng dibdib
Awit at pag-ibig mo giliw
Ang tangi kong kaulayaw
Sa pag iisa alaala kita
Sa puso’t diwa’y pag asa
Tanging ikaw ang lahat sa buhay ko
Huwag mo sana biguin ang puso ko
Ang sumpa ko ay hindi magbabago
Ikaw ang lahat sa buhay ko
Ang sumpa ko ay hindi mag babago
Ikaw ang lahat sa buhay ko