Roel Cortez – Tamang Pag-Ibig, Maling Panahon Lyrics

Roel Cortez Lyrics

“Tamang Pag-Ibig, Maling Panahon”

Tayong dalawa ay nagmahalan nang wagas

Ngunit ang lahat ay kailangang magwakas

Hiram nating oras, hiram nating bukas

T’wina’y langit subalit mali ng landas

Tunay kay sakit at hindi natin maangkin

Ang pagmamahal na lahat yata’y gagawin

Kahit na dayain, kahit ‘di aminin

Kasalanan kapag puso ang susundin

Tamang pag-ibig ngunit maling panahon

Sa puso natin ay ‘di akalaing umusbong

Walang layang magmahal at hindi dapat magtagal

‘Pagkat bawal sa mata ng Maykapal

Tayong dalawa ay nagmahalan nang wagas

Ngunit ang lahat ay kailangang magwakas

Hiram nating oras, hiram nating bukas

T’wina’y langit subalit mali ng landas

Tamang pag-ibig ngunit maling panahon

Sa puso natin ay ‘di akalaing umusbong

Walang layang magmahal at hindi dapat magtagal

‘Pagkat bawal sa mata ng Maykapal

Tamang pag-ibig ngunit maling panahon

Sa puso natin ay ‘di akalaing umusbong

Walang layang magmahal at hindi dapat magtagal

‘Pagkat bawal sa mata ng Maykapal

Walang layang magmahal at hindi dapat magtagal

‘Pagkat bawal sa mata ng Maykapal