Roel Cortez – Panyo Lito Lyrics

Roel Cortez Lyrics

“Panyo Lito”

Panyolito, panyolito

Ito’y aking iaabot sa ‘yo

Giliw ko, tanggapin mo itong aking panyolito

Ito’y palatandaan ng pag-ibig ko sa ‘yo

At kung sakali mang tayo ay ‘di na magkita

Itago mo ang panyolito na sa ‘yo’y alaala

Ako ay pupunta doon sa malayong lugar

Aking hahanapin ang magandang kapalaran

Malulungkot ka man at luha’y ‘di mapigilan

Pahirin mo ng panyolitong aking iniwan

Panyolito, panyolito

Ito’y munting alaala ko sa ‘yo

Panyolito, panyolito

Ang siyang ipahid sa mga luha mo

Ayaw ko sanang mapalayo sa piling mo

Ngunit sadyang mahirap ang buhay natin dito

Tayo’y maglalayo ngunit ating ipangako

Pag-ibig natin ay hindi magbabago

Panyolito, panyolito

Ito’y munting alaala ko sa ‘yo

Panyolito, panyolito

Ang siyang ipahid sa mga luha mo

Giliw ko, tanggapin mo itong aking panyolito

Ito’y palatandaan ng pag-ibig ko sa ‘yo

At kung sakali mang tayo ay ‘di na magkita

Itago mo ang panyolito na sa ‘yo’y alaala

Itago mo ang panyolito na sa ‘yo’y alaala

Panyolito, panyolito

Sana ay iingatan mo