Roel Cortez – Miss Maganda Lyrics

Roel Cortez Lyrics

“Miss Maganda”

Hoy miss maganda

Pwede ka bang makilala

Ako ay isang binata

At nais nang mag-asawa

Kung naiinis ka sa paglapit ko

Ipagpatawad mo ang kapangahasan ko

Hindi ko lang mapigil ang damdamin ko

Dahil sa ikaw ay minamahal ko

Hoy miss maganda

Araw gabi ay hinihintay ka

Kapag dumaraan ka

Ang puso ko’y labis ang ligaya

Paano kaya sasabihin sayo

Ang nadarama nitong puso ko

Ayaw mo namang ligawan ka sa inyo

Dahil baka magalit ang tatay mo

Hoy miss maganda

Baka tumanda ka nang dalaga

Baka sa kapipili

Ay lalo kang matapat sa bungi

Ang magpakipot ay hindi maganda

Kung nadarama na nagmamahal ka

Ang tunay na pag-ibig ay walang pangamba

Kung minamahal mo ang siyang kasama

Hoy miss maganda

Ang puso ko’y yan ang pag-asa

Pagkat sayo nakita

Ang hinahanap kong pagsinta

Kung mabibigo pa ang pag-ibig ko

Sino pa kaya ang iibigin ko

Wala nang iba pang katulad mo

Na magandang minamahal ko

Ang magpakipot ay hindi maganda

Kung nadarama na nagmamahal ka

Ang tunay na pag-ibig ay walang pangamba

Kung minamahal mo ang siyang kasama

Hoy miss maganda

Hoy miss maganda

Hoy miss maganda