Roel Cortez – Almusal, Tanghalian, Hapunan Lyrics

Roel Cortez Lyrics

“Almusal, Tanghalian, Hapunan”

Hayun na naman si totoy at umiiyak

Nasa isang sulok at hilo ang utak

Mangyari ang inay umaga pa’y pumuputak

At sa kanyang ama’y tumatalak

Madalas na itong si totoy ang nasisinghalan

Pag-alis ng tatay niyang hindi na rin makatagal

Ganitong uri ng buhay sa isip niya ay nakin’tan

Sa umaga yan ang kanyang almusal

Sa tanghaling tapat ang nanay niya’y nagsusugal

Binabatukan siya pag umaangal

Pinabayaan niya si totoy na maging hangal

Sa halip na ituro kung alin ang bawal

Ganitong uri ng buhay ang kinagisnan

Ano ba’t ang tama at mali hindi niya alam

Alin at saan bang panig ang kanyang pupuntahan

Kung ganyan lagi ang kanyang tanghalian

Almusal at tanghalian

Pasalamat ka kung mayron pang hapunan

Almusal tanghalian at hapunan

Para kay totoy ay di bale na lang

Huwag na lang

Huwag na lang

At isang hapon ang luha niya’y muling pumatak

Dahilan sa ang pamilya niya’y nagkawatak-watak

Pagkat ang tatay niyang laging nalulunod sa alak

Sa ibang babae ay mayrong anak

Kaya si totoy na palagi nang walang imik

Sa kalinga ng magulang ay sabik

Nalason ang isipan kung kaya naghimasik

Ngayon si totoy ay isa nang adik

O marami pa ang totoy na naliligaw

Kung ama’t ina ka marahil ang may sala’y ikaw

Maging halimbawang magulang sa bawat galaw

Sa kinang ng tukso’y huwag kang papaagaw

Almusal at tanghalian

Pasalamat ka kung mayron pang hapunan

Almusal tanghalian at hapunan

Para kay totoy ay di bale na lang

Almusal at tanghalian

Pasalamat ka kung mayron pang hapunan

Almusal tanghalian at hapunan

Para kay totoy ay di bale na lang

Huwag na lang

Huwag na lang

Huwag na lang