Randy Santiago – Tanging Hiling Sa Pasko Lyrics

Randy Santiago Lyrics

“Tanging Hiling Sa Pasko”

Palapit nang palapit na ang pasko

Simoy ng hangin, unti-unting nagbabago

At pagsapit ng gabi’y nag-iisa

Nangangarap na sana’y nariyan ka

Sa aking tabi at yakap-yakap ka

Lumang Christmas tree ay natayo ko na

Pati Christmas lights ay naisabit na

Bagong biling medyas, doon nakasilid

Hiling kay Santa Claus ay makamit

Tanging hiling sa Paskong darating

Na ako ay iyong sagutin

Inaasam-asam ng aking puso

Makamit ang matamis mong oo

Tulungan mo’ng siyang minsa’y nalulumbay

Ako’y naiingit ‘pagkat sila, hawak-kamay

Aking dinarasal na ‘wag ipagkait

Hiling kay Santa Claus ay makamit

Tanging hiling sa Paskong darating

Na ako ay iyong sagutin

Inaasam-asam ng aking puso

Makasama ka (makasama ka), maging akin ka (akin ka)

Tanging hiling sa Paskong darating

Na ako ay iyong sagutin

Inaasam-asam ng aking puso

Makasama ka (makasama ka), maging akin ka

Tanging hiling sa Paskong darating

Na ako ay iyong sagutin

Inaasam-asam ng aking puso

Makamit ang matamis mong oo