Randy Santiago – Ikaw Pa Lang Lyrics

Randy Santiago Lyrics

“Ikaw Pa Lang”

Marahil ay sadyang wala na nga

Pag-asang tayong dalawa’y muling magsama pa

Lungkot sa ‘king mga mata sana’y iyong napapansin

Lumuluha, nagsasabing mahal pa rin kita

Ikaw pa lang ang aking minahal

Pag-ibig na hanggang langit

Sa ‘yo ko lang naramdaman

Dahil ikaw pa rin ang siyang sinisagaw

Ng puso kong tanging iyo lamang

Maari bang isang halik mo lang

Higpit nang ‘yong huling yakap aking inaasam

Kayanin ko kayang mabuhay ng wala ka

Hayaan mo na lang ako kahit nag-iisa

Ikaw pa lang ang aking minahal

Pag-ibig na hanggang langit

Sa ‘yo ko lang naramdaman

Dahil ikaw pa rin ang siyang sinisagaw

Ng puso kong tanging iyo lamang

Nasaan ang ating sumpa?

Nangakong hanggang huling sandali magmamahalan

Nasaan na?

Nasaan na?

Ikaw pa lang ang aking minahal

Ngayon ako’y nag-iisa, ano’ng magagawa?

Tanging ikaw pa rin ang siyang isisigaw

Ikaw pa rin

Ikaw pa lang