Randy Santiago – Hindi Magbabago Lyrics

Randy Santiago Lyrics

“Hindi Magbabago”

Nang matapos na’ng lahat, ako’y nahirapan

Nalaman ko na ikaw ang tanging kailangan

Pinag-iisipang husto sa naiibang mundo

Kay hirap nang wala sa piling mo

Ginawa ko na’ng lahat para sa atin

Ngunit ika’y nagbago ng hangarin

Kahit wala na tayo at masakit man sa puso

Ay hindi mawawala, mga alaala

At hindi magbabago ang gusto ng puso ko

Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo

May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo

Mananatili ‘to at hindi magbabago

Ginawa ko na’ng lahat para sa atin

Ngunit iba pa rin ang nangyari

Walang-walang tatalo sa lahat nang dinanas ko

Pagnanais na ika’y mapasaaking muli

At hindi magbabago ang gusto ng puso ko

Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo

May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo

Mananatili ‘to at hindi magbabago

Kahit malayo na’y malapit ka pa rin sa aking puso, oh
At hindi magbabago ang gusto ng puso ko

Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo

May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo

Mananatili ‘to, mananatili ‘to

Mananatili ‘to at hindi magbabago

At hindi magbabago