Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip
Mula nang tayo’y magpasiyang maghiwalay
Nagpaalam pagka’t hindi tayo bagay
Nakapagtataka, oh
Kung bakit ganito ang aking kapalaran
‘Di ba’t ilang ulit ka ng nagpaalam
At bawat paalam ay puno ng iyakan
Nakapagtataka, nakapagtataka
Hindi ka ba napapagod
O di kaya’y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan?
Napahid na ang mga luha
Damdamin at puso’y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na ‘kong maramdaman
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba’t di tayo magkasunduan? Oh, oh-oh
Walang tigil ang ulan at nasaan ka araw?
Napano na’ng pag-ibig sa isa’t-isa?
Wala na bang nananatiling pag-asa?
Nakapagtataka, saan na napunta?
Hindi ka ba napapagod
O di kaya’y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan?
Napahid na ang mga luha
Damdamin at puso’y tigang
Wala ng maibubuga
Wala na ‘kong maramdaman
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba’t di tayo magkasunduan? Oh, oh-oh
Walang tigil ang ulan at nasaan ka araw?
Napano na’ng pag-ibig sa isa’t-isa?
Wala na bang nananatiling pag-asa?
Nakapagtataka, saan na napunta?
Hindi ka ba napapagod?
O di kaya’y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan?
Napahid na ang mga luha
Damdamin at puso’y tigang
Wala ng maibubuga
Wala na ‘kong maramdaman
Napahid na ang mga luha
Damdamin at puso’y tigang
Wala ng maibubuga
Wala na, wala na ‘kong maramdaman
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba’t di tayo magkasunduan? Oh, oh-oh, ooh