Rachel Alejandro – Kahapon, Ngayon At Bukas Lyrics

Na na na
Hangga’t hawak mo ang aking kamay

Ano mang hamon ang ibigay

Ng mundong itong pabago-bago

Dahil sa ‘yo nakakayanan ko

Turuan mo akong bitawan ang kahapon

At harapin ang ngayon

Kahit ano pa man ang pinagdadaanan

Ang laging mabigat ay gumagaan

Sa piling mo lamang ligtas ang puso ko

Malaya kong sasabihin sa ‘yo

Mahal kita labis at wagas

Kahapon ngayon at bukas

La la (ooh)
Ayokong mangako na laging payapa

Ang bawat sandali nating dalawa

Basta’t hawak mo ang aking kamay

Ngayon at habang buhay

Turuan mo akong bitawan ang kahapon (turuan mo akong bitawan ang kahapon)

At harapin ang ngayon (at harapin ang ngayon)

Kahit ano pa man ang pinagdadaanan (kahit ano mang pinagdadaanan)

Ang laging mabigat ay gumagaan

Sa piling mo lamang ligtas ang puso ko

Malaya kong sasabihin sa ‘yo

Mahal kita labis at wagas

Kahapon (kahapon)

Ngayon (ngayon)

At bukas (bukas)

Mahal kitang labis at wagas

Kahapon ngayon at bukas

Kahapon (kahapon)

Ngayon (ngayon)

At bukas (at bukas)