“Pamaskong Anyaya”
by Bukas Palad Music Ministry
[Chorus]
Maghintay sa pagsilang ng Kamahal-mahalan
Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan
Pagtutunggali’y kalimutan, pagmamaramot ay talikdan
Anyayahan sa puso’t isip Siyang huwaran
[Verse 1]
Do’n sa silangan Niya, tanawin tuwina
Halimbawa ng payak na buhay
Ating iwasan ang pagnanasang lahat ay kamtin
Buhay Niya ang mithiin
Papayapa ang mundo kung tayo’y magbago’t
[Chorus]
Maghintay sa pagsilang ng Kamahal-mahalan
Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan
Pagtutunggali’y kalimutan, pagmamaramot ay talikdan
Anyayahan sa puso’t isip Siyang huwaran
[Verse 2]
Do’n sa silangan Niya, tanawin tuwina
Ang pasakit ng Kristong sumapit
Sa karukhaa’y nagmula Magandang Balita ng Diyos
Bugtong na Anak ng Diyos
Hindi mo man mahigtan, sarili’y ihanda’t
[Chorus]
Maghintay sa pagsilang ng Kamahal-mahalan
Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan
Pagtutunggali’y kalimutan, pagmamaramot ay talikdan
Anyayahan sa puso’t isip Siyang huwaran
[Verse 3]
Kalimita’y nalulunod tayo sa rangya
Ng paghahanda sa araw ng sangnilikha
Kung babalik tayo sa pinagmulan Niya
Higit na makabuluhan ang pagdiriwang
[Chorus]
Maghintay sa pagsilang ng Kamahal-mahalan
Ihanda ang sarili at ang buong sambayanan
Pagtutunggali’y kalimutan, pagmamaramot ay talikdan
Anyayahan sa puso’t isip Siyang huwaran
[Outro]
Anyayahan sa puso’t isip Siyang huwaran