“Pag-ibig Na Kaya”
by Julie Anne San Jose and Rayver Cruz
‘Di na maalala, pa’no nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko
Bawat araw laging ikaw ang aking nakikita
Ano ba ang nadarama ko
T’wing ikaw ay kasama?
Ganyan din ang nadarama ko
Tuwing ika’y lalapit sa akin
Ako’y parang natutulala (natutulala)
‘Di ko malaman ang sasabihin ko (sasabihin ko)
Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama, ito ba ang simula?
‘Di na mapipigilan, pag-ibig nga ito
Sana’y ‘di matapos ang nadaramang ito
Pag-ibig nga kaya ito? (Pag-ibig nga kaya ito?)
Oh-oh-oh, ‘pagkat nararamdaman
Pag-ibig atin nang natagpuan
Malalaman mo lamang
Ang nararamdaman (ang nararamdaman)
Kung ako ay magiging ikaw
Damdamin nati’y magsama
Laman ng puso ko’y ganyan din
Ikaw ay narito na sa akin
‘Di ko hahayaang mawalay (mawalay ka)
Dito ka sa aking piling
Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama, ito ba ang simula?
‘Di nga mapipigilan, pag-ibig nga ito
Sana’y ‘di matapos ang nadaramang ito
Pag-ibig nga kaya ito? (Pag-ibig nga kaya ito?)
Oh-oh-oh, ‘pagkat nararamdaman
Pag-ibig, natagpuan
Oh, gagawin lahat (gagawin lahat)
Upang ‘di magkalayo (upang ‘di magkalayo)
Dito lang ako, ‘di kita iiwan
Kahit sandali’y ‘di ko papayagang
Mawalay ka sa akin
Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama, ito ba ang simula?
‘Di na mapipigilan, pag-ibig nga ito
Sana’y ‘di matapos ang nadaramang ito
Pag-ibig nga kaya ito? (Pag-ibig nga kaya ito?)
Oh-oh-oh, ‘pagkat nararamdaman
Pag-ibig atin nang natagpuan
Ooh-oh
Ooh-oh