mrld – Maligayang Pagkukunwari Lyrics

Maligayang Pagkukunwari Lyrics

by mrld 

Mahal kita ‘wag kang magbago

Sabihin ang lahat wag kang magtago

Ng kahit pa ano ano ang sekreto

Mahal kita pangakong ‘di ako mabibigla

Pero pa’no kung hindi ko kayang ilahad

Ang mga salitang nararamdaman

O ganito na lang ba

Sa simpleng ayos lang na lang ba tatapusin

Ang lahat ng salitang gustong sabihin

Magpapalunod na lang ba sa mga lihim

O maligayang pagkunwari

Takot lang sa isipan na magbago

Ang ihip ng hangin na nandirito

Hindi alam at ‘di pa sigurado

Kung pa’no ba at kung saan sisimulan

Pagod na sa pagtago ng nilalaman

Pero sige lang ‘di kita sasaktan

O ganito na lang ba

Sa simpleng ayos lang na lang ba tatapusin

Ang lahat ng salitang gustong sabihin

Magpapalunod na lang ba sa mga lihim

O maligayang pagkunwari

Maayos pa ba

O pagkatapos ng lahat baka magbago

Ang pagtingin siguro lalo pang lumabo

Kaya naman takpan ng pag ngiti

O maligayang pagkunwari

Paano kung magbago

Paano kung magbago

Paano kung magbago

Mahal kita ‘wag kang magbago