Moira Dela Torre – Tagu-taguan Lyrics

Moira Dela Torre Lyrics

“Tagu-taguan”

Minsan, isang araw, puso’y napasigaw

Nahulog sa iyo’t ‘di ko na matanaw

Pangangat’wiran ko’y ‘di na mapagkatiwalaan

Umasa sa iyong ‘di na mabibitawan

Na baka sakali lang, ‘di na masasaktan

Ngunit pangangat’wiran mo’y ‘di mapagkatiwalaan

Kaya’t pipikit na lang
Tagu-taguan, maliwanag ang buwan

Masarap magmahal ‘pag hindi iniwan

Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako

Ibalik ako sa nakaraan

Langit ang natanaw, pangarap ay ikaw

Lupa ang nabigay, ‘di nakapaghintay

Sana nagpatintero at naiwasan ang impiyerno

Kaya’t pipikit na lang

At baka sakali lang

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan

Masarap magmahal ‘pag hindi iniwan

Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako

Ibalik ako sa nakaraan

Pagdating sa dulo, ako’y nasaktan mo

Sinubukang ‘paglaban, sigaw ng puso ko

Ngunit ba’t pipilitin ang ‘di naman para sa akin?

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan

Masarap magmahal ‘pag hindi iniwan

Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako

Ibalik ako sa nakaraan

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan

Masarap magmahal ‘pag hindi iniwan

Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako

Ibalik ako sa nakaraan

No’ng ‘di pa naiwan

No’ng ‘di pa naiwan

No’ng ‘di mo iniwan

No’ng ‘di mo naiwan