Moira Dela Torre – Patawad, Paalam Lyrics

Moira Dela Torre Lyrics

“Patawad, Paalam”

Nakakatulong ba nung lumayo ako

‘Di ba ‘yon naman ang ‘yong ginusto

Simula pa no’n kahit hanggang ngayon

Lahat ng daan ay pabalik sa’yo

Balang araw ay makikita mong

‘Di kailangan lumayo

Kung paglisan lang ang paraan

Patawad

Paalam

Kahit nasa’n ka man

Nariyan pa ba ang pinangarap ko

Na aking tinalikuran para mabuo

Bakit ganon kahit sa’n lumingon

Lahat ng daan ay pabalik sa’yo

Balang araw ay makikita mong

‘Di kailangan lumayo

Kung paglisan lang ang paraan

Patawad

Paalam

Kahit nasa’n ka man

Oh oh oh
Nahanap nga sarili mo

Nawala naman ako

Masisisisi mo pa ba

Kung ako’y sususuko na

Hindi mo man mapakinggan

Ang aking mga dahilan

Ma-itatanggi mo bang

Mahal na mahal kita

Sa aking paglayag

Tiyak ika’y masasaktan

Hangad ko’y maintindihan

‘Di maintindihan

Na sa tamang panahon

Hinding-hindi na iiwan

Kung ‘yong pagbibigyan muli

‘Di kayang pagbigyang muli

Kahit anong gawin

‘Di na mababalik ang dati

Paalam salamat

Salamat sa lahat

Balang araw ay makikita mo

‘Di na sana lumayo (‘di ka sana lumayo)

Kung paglisan lang ang dahilan

Sa ating hangganan

Ikaw pa rin sana