Mike Hanopol – Tulungan Natin Lyrics

Mike Hanopol Lyrics

“Tulungan Natin”

Ako’y umiiwas sa away at gulo

Maraming maiinit at mahilig sa basag-ulo

Bakit kailangan pa’ng manakit ng kapwa?

Kailangan pa bang tayo’y maging siga?

Kung tayo ay talagang matatapang

Bakit hindi natin harapin ang ating sarili?

Sawang-sawa na tayo sa mga palabas

Hukayin naman natin ang nasa ating loob

Tulungan natin ang mga bulag

Tulungan natin ang mga bingi

Tulungan natin ang mga ligaw

Tulungan din natin ang ating, ang ating sarili

Matuto na tayong gumalang sa ating sarili

Matuto na tayong umunawa ng kapwa

Tayo’y magsikap upang tayo’y umunlad

Limutin na natin ang ugaling tamad

Iwasan na natin ang ating mga ilusyon

Ikalat na natin na tayo’y isang nasyon

Kahit hindi tayo magkakakilala

Tayo’y magkakapatid at magkakasama

Tulungan natin ang mga bulag

Tulungan natin ang mga bingi

Tulungan natin ang mga ligaw

Tulungan din natin ang ating, ang ating sarili, oh

Kahit hindi tayo magkakakilala

Tayo’y magkakapatid at magkakasama

Tulungan natin ang mga bulag

Tulungan natin ang mga bingi

Tulungan natin ang mga ligaw

Tulungan din natin ang ating, ang ating sarili