Mga Kantang Pambata (Filipino Children’s Songs)

Mga Kantang Pambata (Filipino Children’s Songs)

MALIIT NA GAGAMBA

Maliit na gagamba
Umakyat sa sanga
Dumating ang ulan
Itinaboy siya
Sumikat ang araw
Natuyo ang sanga
Maliit na gagamba
Ay laging masaya.

AKO AY MAY LOBO

Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
`Di ko na nakita
Pumutok na pala
Sayang ang pera ko
Binili ng lobo
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako.

PEN PEN DE SARAPEN

Pen pen de sarapen
De kutsilyo, de almasen
Haw, haw de karabaw batuten
Sipit namimilipit
Ginto`t pilak namumulaklak
Sa tabi ng dagat
Sayang pula, tatlong pera
Sayang puti, tatlong salapi
Sawsaw sa suka, mahuli ay taya
Sawsaw sa suka, mahuli ay taya.

TAYOÝ SUMAKAY SA KABAYO

Tayo`y sumakay sa kabayo
Mabilis tumakbo ang kabayo ko
Katulad nito`y ipu-ipo
Mabilis ang pagtakbo.
Hiya, bilisan mo
Hiya, bilisan mo
Bilisan mo ang takbo.
Taka-taka-tak, takatak hiya (3x)
Bilisan mo ang takbo.

SI JACK AT SI JILL

Jack at Jill naglalaro
Sa bukid na malayo
Ngunit nawala si Jill
Matapos na magtago.
Tra la la la la la la (3x)
Matapos na magtago.
Nang si Jack ay umuwi
Si Jill ay hinahanap
At si Jack ay umiyak
Si Jill di mahagilap.
Tra la la la la la la (3x)
Si Jill di mahagilap.

ATIN CU PUNG SINGSING

Atin cu pung singsing
Metung yang timpucan
Amana que iti
Quing indung ibatan
Sancan queng sininup
Queng metung a caban
Mewala ya iti
E cu camalayan.
Ing sucal ning lub cu
Susucdul king banua
Picurus cung gamat
Babo ning lamesa
Ninu mang manaquit
Quing singsing cung mana
Calulung pusu cu
Manginu ya caya.