Martin Nievera – Ikaw Lang Ang Mamahalin Lyrics

Martin Nievera Lyrics

“Ikaw Lang Ang Mamahalin”

Sa bawat pag-ikot ng ating buhay

May oras, kailangan na maghiwalay

Puso’y lumaban man, walang magagawa

Kailan pa? Kailan ka muling mahahagkan?

Magkulang man sa ‘tin itong sandali

Alam ko na tayo’y magkikitang muli

Hangga’t may umaga pa na haharapin

Ikaw lang ang mamahalin, oh-oh

Paano ang puso kong ito

Ngayong lumisan ka sa buhay ko?

Kung kailan sumikat ang araw

At lumigaya ang aking mundo

Paano na’ng mga bukas ko

Ngayong wala ka na sa piling ko?

Paano’ng mga pangarap

Mga pangako sa bawat isa?

Sana’y ika’y muling makita ko

Damhin ang tibok ng puso mo

Sana’y yakapin mo akong muli

Kahit sandali, kahit isang saglit

Mayakap ka

Yakapin mo akong muli

Kahit sandali, kahit isang saglit

Mayakap ka, mayakap ka