Unang Pag-ibig, Unang Pagluha Ko
by Marissa
Unang pag-ibig ko, unang pagluha ko
Ito kaya ay palad ko…
Siya ang una kong pag-ibig
Siya ang una kong giliw
Bawa’t sandali sa buhay
Di dumalaw ang lumbay
Ang akala ko ay tunay
Ang pag-ibig niyang alay
Halos ako ay pumanaw
Sa aking natuklasan
Unang pag-ibig ko, unang pagluha ko
Sa isang taong mapaglaro
Unang pag-ibig ko, unang pagluha ko
Isang aral sa buhay ko
Kay tamis ng bawa’t araw
Sa piling ng iyong mahal
Unang halik niya sa akin
Ay halik na kay lambing
At nang dumating ang araw
Na di ko siya naaangkin
Biglang gumuho ang langit
Tamis ay naging pait…