MAGTIWALA KA
by Nyt Lumenda
Di ka ba nanabik
sa dating lambingan
Di mo ba naaalala
ang kahapong kay saya
O sadyang kagustuhan mo
na ikay malaya
at hahayaan na ang lahat
na mauwi sa wala
Di na ba mapakiusapan
Ang puso mo
Sanay ay iyong pagbigyan
itong damdamin ko
Ano man ang pagkukulang ko
ay aking pupunuan
Magtiwala ka lamang
Puso koy para sa yo
Umaasa ako
na iyong pagbibigyan
Pangako sayo
Di na iibig sa iba
Ano mang nagawang mali
ay aking itutuwid
Magtiwala ka
Di ka na luluha pa
Sa tagal na panahon
pag di ko nakita
Sabik at saya
Nanatili at nararamdaman
Sayang ang nakaraan
nating dalawa
Sana naman
Ito ay mapansin mo
Umaasa ako
na iyong pagbibigyan
Pangako sayo
Di na iibig sa iba
Ano mang nagawang mali
ay aking itutuwid
Magtiwala ka
Di ka na luluha pa
Umaasang ako
na iyong pagbibigyan
Pangako sayo
Di na iibig sa iba
Ano mang nagawang mali
ay aking itutuwid
Magtiwala ka
Di ka na luluha pa
Umaasang ako
na iyong pagbibigyan
Pangako sayo
Di na iibig sa iba
Ano mang nagawang mali
ay aking itutuwid
Magtiwala ka
Di ka na luluha pa
Magtiwala ka
Di ka na luluha pa.