Mabuhay Singers – Pangako Ng Puso Lyrics

Pangako Ng Puso Lyrics

by Mabuhay Singers /  A. Fernando, D. Holmsen 

Nagtampo ang aking hirang

Nang ako’y dagling lumisan

Ngunit hindi niya nalalaman

Ang tanging dahilan

Nasubukan ko na minsan

May iba siyang kasintahan

Sa tamis ng pagmamahalan

Ako’y nalimutan

Ang sumpa ko

Sana’y panaligan mo

Pagkat ito’y

Pangako ng puso ko

Kahit na ika’y maglilo

Sa sumpaan ay magbago

Ay asahan mong hindi pa rin

Magtataksil sayo

Ang sumpa ko

Sana’y panaligan mo

Pagkat ito’y

Pangako ng puso ko

Kahit na ika’y maglilo

Sa sumpaan ay magbago

Ay asahan mong hindi pa rin

Magtataksil sayo