Alitaptap Lyrics
by Mabuhay Singers
Ang alitaptap
Ang alitaptap
Sa hating~gabi
Ay lumilipad
Kay gandang masdan
Kikisapkisap
Tulad ay bituin
May munting liwanag
Ang alitaptap
Ang alitaptap
Di mo makita
Di maapuhap
Sa kadiliman
Pag lumilipad
Ay parang
Bitui’ng
Kukutikutitap
Ang alitaptap
Ang s’yang katulad
Ng pag~ibig mo na
Aandapandap
Kung kaya dapat
Ikaw ay mag~ingat
Nang hindi maglaho
Ang iyong liwanag
Ang katulad mo
Ay alitaptap
May munting ilaw
Na sumisinag
Kung matapos ang
Buong magdamag
Maglalaho na
Rin ang iyong
Liwanag
Wag magmadali
At konting pino
Siguruhin mo’ng
S’ya’y iyung~iyo
Nang di magsisi
Pag~ingatan mo
Pag natapilas ka
Ay tapos ang k’wento
Magdahan~dahan
Ang aking payo
Sa pagpili mo
Nang iyong nobyo
Alamin muna
At isipin mo
Kung s’ya nga
Ang sadyang
Tunay na
Mahal mo
Ang iyong oo
Ang iyong oo
Bago mo bitiwan
Ay tiyakin mo
Kung malinlang ka
Nang inibig mo
Ay parang naglaho
Ang lahat sa mundo
Ay anong hirap
Ay anong saklap
Kung iwanan ka
Nang iyong liyag
Mas mabuti pa
Ang alitaptap
Kahit na munti
Ay mayroong liwanag