Lovi Poe Lyrics
“Paulit-Ulit”
Malungkot ako ngunit di makaiyak
Ang mga mata’y sawa na sa pagluha
Sa pagod ang puso’y namanhid
Parang wala na akong maramdaman
Naglalaro tumatakbo ang pag-iisip
Masasayang sandali maibabalik pa kayang muli
Totoo bang masaya kang malayo
Sa aking piling mahal ko
Paulit-ulit na lang tayo
Ang sakitan kailan ba mahihinto
Ito na ba ang huling paalam
O pagsubok na pagdadaanan
Kung ikaw ay babalik
Kahit na isang saglit
Sana’y huwag mo na akong biguin (huwag mo nang biguin)
Muli
Nagdarasal na malaman ang totoo
Nandito pa sa akin kung anong mahalaga
Nariyan pa ba ako sa puso mo (nariyan pa ba sa puso mo)
O tuluyan nang naglaho
Paulit-ulit na lang tayo
Ang sakitan kailan ba mahihinto
Ito na ba ang huling paalam (ito na ba)
O pagsubok na pagdadaanan
Kung ikaw ay babalik
Kahit na isang saglit
Sana’y huwag mo na akong (huwag mo nang biguin)
Sana’y huwag mo na akong (huwag mo nang biguin)
Sana’y huwag mo na akong biguin
Muli