Loonie – Senyor Lyrics

“Senyor”

by Loonie ft. Apoc the Death Architect

[Verse 1: Loonie]

Ako ang naglatag ng hagdanan bago ka nakapanik

Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid

‘Di mawawala kahit ang panahon ay magpalit

Papunta ka pa lang, pang-walo ko nang balik

Napakapait kahit magpakabait

Kadalasan kung itrato napakasakit

Pilit ginagaya’t pinaplano madaig

Parang tatay ng mga inggratong magkakapatid

Nagpakamanhid sa mga tirang padaplis

Hindi rin basta nagpapadala sa dilang matamis

Pambihira ang bangis, tindigan at ng karisma

Partida ‘di pa ‘yan napapahiran ng langis

Beterano ang galawan, malinis kung kumitil

Mahusay kung kumilatis at marunong pumisil

Kung sasagot ka sa’kin, sa dulo dapat may sir

Hindi tayo magkapareho, matuto kang lumebel

[Chorus: Apoc the Death Architect, Loonie]

Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Ako ang ‘yong itay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Ako ang ‘yong itay (Halik sa singsing)

(Halik sa singsing, halik sa singsing)

You might also like

Tugmang Preso

Loonie

Amago

Loonie

Eroplanong Papel

Loonie

[Verse 2: Apoc the Death Architect]

Ako naglatag ng daanan bago ka nakapanik

Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid

Sa ganitong kultura, ‘di alam ang kalakip

Nitong mga gamu-gamo na sa apoy nagmamasid

‘Di ‘to paingayan ng mga kanta sa net

O paramihan ng karangalang makakamit

O pabilisan sa karera sa eksena sa halip

Patibayan ‘to ng tuhod sa bundok na matarik

‘Di mo nabatid, dami mong kalaban

Hindi ka babayaran, kung walang palakpakan

‘Yung mga kritiko na maraming nalalaman

At ‘yung mga negosyanteng gagawin kang kasangkapan

Sa butas ng karayom dadaan ang kapalaran

Paghawak sa mikropono ay simula pa lamang

‘Pagkat madali mag-rap at sumampa sa tanghalan

Ngunit uubra ka ba kung usapan ay patagalan?

[Chorus: Loonie, Apoc the Death Architect]

Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Ako ang ‘yong itay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Ako ang ‘yong itay (Halik sa singsing)

(Halik sa singsing, halik sa singsing)

[Interlude: Loonie]

Mga ginoo at ginang

Nais ko pong magbigay pugay

Sa mga senyor at mga senyora

Na nauna sa’kin

[Verse 3: Loonie]

Simulan natin kay Francis Magalona, Andrew E, Michael V, Gloc-9, at Apoka

Urban Flow, Arbie Won, Mastaplann, BB Clan, Legit Misfitz, Ghetto Dogs Version 1

Denmark, Kulay, MC Lara, Lady D, Bass Rhyme Posse, 4 East Flava, DFT

SVC, Madd Poets, D-Coy, Pamilya D, M.O.D., Chill, Artstrong, Trilogy

Death Threat, Syke, Oblaxz, Master Shock

Mikerapphone, Konflick, El Latino, Anthill Mobb

Chinese Mafia, Down Earf, Nasty Mack

Ang sarap sana ipagsama sa isang posse track

Pasensya, ‘di kumpleto, ‘di ko nabanggit lahat

Sila ang mga nakatatanda kong kapatid sa rap

Salamat sa mga ambag at mga kantang tumatak

Hayaan niyong alayan ko kayo ng mga bulaklak

[Chorus: Apoc the Death Architect, Loonie]

Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Ako ang ‘yong itay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)

Magmano ka sabay (Halik sa singsing)

Ako ang ‘yong itay (Halik sa singsing)

(Halik sa singsing, halik sa singsing)