Loonie – Kapayapaan Lyrics

“Kapayapaan”

by Loonie ft. Donnalyn & KV (PHL)

[Intro: Loonie]

Sa t’wing lagay ay alanganin, ang dalangin sa Ama

Katatagan para tanggapin ang mga bagay na ‘di na maiiba pa

At katapangan para baguhin ang maaari pa maisalba

At karunungan upang matutunan ang pinagkaiba ng dalawa

[Chorus: KV & Donnalyn]

Sinusubukan ko naman na kumalma

Pero ba’t gano’n nagsikalat mga ubod ng tanga

Kaliwa’t kanan sila’y nagmamanman, talagang susubukan ka

Pero ‘di ko papabayaan ang sarili kong kapayapaan

[Verse 1: Loonie]

Nanghahatak pababa, ang alimango sa timba

Kapwa kababayan itatrato kang iba

Imbes na itaas ka, ibabash ka pa nila

Tapos biglang magiging fans ‘pag international ka na (Wow!)

‘Wag mo na lang pansinin para ‘di ka naa-annoy

Naiinis, nababaliw, napaparanoid

Kapag pinatulan ang istupidong lasing na nagma-maoy

Parang sinabuyan mo ng tubig ang mantikang nag-aapoy

Handa na, boy, maraming sasalubong sa daluyong

Mga dudong na akala mo marurunong

Panay gusto lang ay tensyon para maugong

Mga patay gutom sa atensyon dapat pinapatay sa gutom

You might also like

Tugmang Preso

Loonie

Amago

Loonie

Senyor

Loonie

[Chorus: KV & Donnalyn]

Sinusubukan ko naman na kumalma

Pero ba’t gano’n nagsikalat mga ubod ng tanga

Kaliwa’t kanan sila’y nagmamanman, talagang susubukan ka

Pero ‘di ko papabayaan ang sarili kong kapayapaan

[Verse 2: Loonie]

Sa panahon ng internet, uso ang pamumuna

‘Di pwedeng laging init ng ulo ang nauuna

Bago ka magsisi sa dulo dapat matuto kang

Maging payapa ang isip, ang puso at kaluluwa

Maraming magpapapansin para lang makatabi

Dapat wala kang pake, magpaka-lalaki ka, p’re

Hayaan mo sila, ‘wag ka na lang gumanti

Kalaban niya sarili niya, ‘wag mong bigyan kakampi

At hindi ka lang sisiraan, sisirain talaga

Hihilain pababa, titirahin sa kanta

‘Di na dapat ginawa, pinangalandakan pa

Ita-tag pangalan mo para itatag pangalan niya

Kaya ‘pag nagagalit, ang dalangin sa Ama

Katatagan para tanggapin ang mga bagay na ‘di na maiiba pa

At katapangan para baguhin ang maaari pang maisalba

At karunungan upang matutunan ang pinagkaiba ng dalawa, talagang

[Chorus: KV & Donnalyn]

Sinusubukan ko naman na kumalma

Pero ba’t gano’n nagsikalat mga ubod ng tanga

Kaliwa’t kanan sila’y nagmamanman, talagang susubukan ka

Pero ‘di ko papabayaan ang sarili kong kapayapaan

[Outro: KV & Donnalyn]

‘Di na para lumaban pa

Wala sa diksyonaryo ko na bumaba

Dekalidad mo hindi na para patulan pa

‘Di na para lumaban pa

Wala sa diksyonaryo ko na bumaba

Dekalidad mo hindi na para patulan pa