“Eroplanong Papel”
by Loonie ft. Smugglaz (PHL)
[Chorus: Loonie]
Tulala sa matayog na pader
Nangarap ‘singtaas ng torre ng Babel
Nung walang pambili ng laruang baril
Nagtyatyaga sa eroplanong papel
[Verse 1: Loonie]
Naaalala ko pa ‘yung bahay sa Vito Cruz
Kung sa’n ang battle rap sa akin unang na-introduce
Nung mga panahong wala pang gigs at interviews
Wala ring makain kasi wala pang million views
Daming gustong patunayan, dami rin gustong pasinungalingan
Daming gustong paghusayan, kaso pamilya ay ‘di ko malisan
Daming gustong pag-usapan, kaso takot sa mali kong katwiran
Dami nang pinagdusahan sa dami ng nagawang kamalian
[Verse 2: Smugglaz]
Ayy, yo
Naaalala ko sa Delpan do’n sa kanto
Hablot, tutok ‘pag mahina bote, dyaryo
Wala pang “Batang Quiapo” no’n o “Probinsyano”
‘Sang batang pasaway na habulin na ‘to ni Cardo
Dami ko gusto subukan, gamit ang perang makapangyarihan
Dami rin gustong tulungan, mabiyayaan at mabahagian
Daming mang gustong tutolan, mga tunay na kaaway, pekeng kaibigan
Dami nang pinaghugutan nung mga panahon na ako ay kalimitang
You might also like
Tugmang Preso
Loonie
Pamanggulo
Loonie
XXXX
Loonie
[Chorus: Loonie, Smugglaz]
Tulala sa matayog na pader (Tulala)
Nangarap ‘singtaas ng torre ng Babel (Uh)
Nung walang pambili ng laruang baril (Walang-wala)
Nagtyatyaga sa eroplanong papel (Nagtyatyaga)
Ngayon tila ako’y nagdilang anghel (Tila bigla)
Limpak-limpak na milyones sa mantel (Limpak-limpak)
Mapa-dolyar man o piso, mga sir (Kahit euro)
Ginagawa ko lang eroplanong papel
[Verse 3: Smugglaz]
Naaalala ko pa ‘yung mga gabi sa tuwina
Uwian ay kalsada at pamilya ang barkada
Nagigising sa mga usok at busina
Sa walang kurtina kong kubeta, sala’t kama
Buhay ba ng gangsta? Gusto mo sumama?
Muntik na ‘kong mabaliw at maging taong grasa
Kahiya i-flex ‘yung iba nga fine-faith
‘Yung isoryang pine-peg, paangasin na may drama (Drama, drama, drama)
Pero kung ‘kala mo na ‘yun lamang (Yeah)
Tapos madapa, gumulong at gumapang
Alam kong bumangon ay obligasyon kong ‘atang
Nung una akala hanggang do’n na lamang
Tapos ngayon parang ako pa yumabang, huh?
‘Sang repleksyon ng aking mga mata, nakikita ko pa rin ‘yung batang (Batang, batang)
[Chorus: Loonie, Smugglaz]
Tulala sa matayog na pader (Tulala)
Nangarap ‘singtaas ng torre ng Babel (Uh)
Nung walang pambili ng laruang baril (Walang-wala)
Nagtyatyaga sa eroplanong papel (Nagtyatyaga)
Ngayon tila ako’y nagdilang anghel (Tila bigla)
Limpak-limpak na milyones sa mantel (Limpak-limpak)
Mapa-dolyar man o piso, mga sir (Kahit euro)
Ginagawa ko lang eroplanong papel
[Verse 4: Loonie]
‘Di na kailangan magbayad ng upa, meron ng bahay at lupa
Malaya sa utang, sarap na ng buhay, ‘di gaya ng una
‘Di na kailangan pa magkanda-kuba para sa pangarap na nakakakalula
Bawal sa mga batang mababaw luha, maraming sugapa makakasagupa
Gumapang sa lupa hanggang sa makuha
Kaya mag-flex nang pilit, ‘di na kailangan, ako’y haligi na ng tahanan
Magpapasimple pakumbaba lang para hindi rin ako utangan
Mananahimik na lang sa gilid (Shh), kahit sabihin pa na yumabang
Sa’n man mawili sa’king sarili, mananatili pa rin ‘yung batang