Kitchie Nadal – Majika Lyrics

Kitchie Nadal Lyrics

“Majika”

Sa pagsibol ng araw

Nakikiusap na sa ulap

Mapalikas na mapalinlang

Mga aninong bumabalot sa lupa

Bahaghari lang, nais na matanaw

Majika (Majika)

Ikaw ang tanging pag-asa

Binhi sa kanyang kinagisnan

‘Pagkat landas ay ‘di na babalikan

Sa paghamon ng gabi

Bakas ng luha’y susundin

Patungo sa mapaglarong tadhana

At nag-aalab na lihim

Sa ngalan ng pag-ibig ay tutuklasin

Majika

Ikaw ang tanging pag-asa

Binhi sa kanyang kinagisnan

‘Pagkat landas ay ‘di na babalikan

Ang kalawakan ay ‘di likas sa binhi

Nadadala lamang ng ihip ng hangin

Kakapit at umaasa, Majika

Majika

Ikaw ang tanging pag-asa

Binhi sa kanyang kinagisnan

‘Pagkat landas ay ‘di na babalikan (aah-aah-aah)