“Tililing”
Malayo ang tingin
Tila ba nawawala
Isip lumilipad
Sa mundong gawa-gawa
Minsan ang magkulong dito’y maigi pa
Kaysa sa madama ko lalo ang pag-iisa
Sumubok, nabigo, baliw sa paningin
Ngunit kung bigyang-pansin buhay natin magkahambing
Lahat tayo ay mayro’ng hangganan
‘Pag puso ang nasaktan
Ay nasasaid din
At lumalayo na sa katinuan
Hindi ba tanginang ‘yan
Lahat tayo ay may tililing
Kukong nangingitim
Mundong nagdidilim
Ang pighati nanghihigop pailalim
Minsan, ang makulong dito’y kay hirap din
‘Pagkat “sapak”, “saltik”, bansag kaysa intindihin
Sumubok, nabigo, baliw sa paningin
Ngunit kung bigyang-pansin buhay natin magkahambing
Lahat tayo ay mayro’ng hangganan
‘Pag puso ang nasaktan
Ay nasasaid din
At lumalayo na sa katinuan
Hindi ba tanginang ‘yan
Lahat tayo ay may…
Sumubok, nabigo, baliw sa paningin
Ngunit kung bigyang-pansin buhay natin magkahambing
Lahat tayo ay mayro’ng hangganan
‘Pag puso ang nasaktan
Ay nasasaid din
At lumalayo na sa katinuan
Hindi ba tanginang ‘yan
Lahat tayo ay may…tililing