Karylle Lyrics
“Pagbigyan Ang Puso”
Magmula nang tayo ay nagkalayo
Mga pangako tuluyan nang naglaho
Pinilit kong iwanan at limutin ang lahat
‘Pagkat walang magagawa
Kahit pa malayo ka sa piling ko
Ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko (wala na ngang iba)
At kahit pa nalaman kong may kasama kang iba
Ikaw pa rin sa puso ko
Bumabalik ako ngayon sa ‘yo
Sana maramdaman mong mahal pa rin kita
Sana maniwala kang ‘di ka na mag-iisa
Dalangin at pangarap ko, ako’y muling mayakap mo
Sana pagbigyan ang puso ko
Marahil mahihirapang balikan
Ang dating pag-ibig na naramdaman
Ngunit kung mayro’n pang naiwan sa iyo
Pag-ibig ko sa puso mo
Ako ay babalik ngayon sa ‘yo
Sana maramdaman mong mahal pa rin kita
Sana maniwala kang ‘di ka na mag-iisa
Dalangin at pangarap ko, ako’y muling mayakap mo
Sana pagbigyan ang puso ko
Sana maramdaman mong mahal pa rin kita
Sana maniwala kang ‘di ka na mag-iisa
Dalangin at pangarap ko, ako’y muling mayakap mo
Sana pagbigyan ang puso ko
Sana pagbigyan ang puso ko