Karylle – Awit Sa Ina Ng Santo Rosaryo Lyrics

Karylle Lyrics

“Awit Sa Ina Ng Santo Rosaryo”

Oh inang mahal narito kami

Awit awit ang ave maria

Minsan ang buhay ay isang awit ng galak

Mayroong liwanag na tatanglaw sa ‘ting pagyapak

Minsan ang buhay ay isang awit ng luha

At s’yang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga

At kahit anong tindi ng unos

Kahit anong tindi ng dilim

May isang inang namamatyag

Nagmamahal sa’tin

Awit n’ya’y pag-ibig ng Diyos

Tawag n’ya’y magbalik loob

Turo n’ya’y buhay na ang Diyos lamang sa ati’y nagkaloob

O inang mahal narito kami

Awit awit ang ave maria (ave maria)

At dalangin ng bawat pamilya’y

Kapayapaan at pagkakaisa

Ang rosaryo mong hawak namin at awit awit ang ave maria (ave maria)

Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal ihatid mo kami sa langit ng amang mapagmahal

O inang mahal narito kami awit awit ang ave maria (ha)

Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal

O inang mahal narito kami awit awit ang ave maria

Sa anak mong si Hesus puso nami’y ihahandog

Ang rosaryo mong hawak namin at awit awit ang Ave Maria

Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal

Ihatid mo kami sa langit ng Inang mapagmahal