Juris Fernandez – Kahit Di Mo Sabihin Lyrics

Juris Fernandez Lyrics

“Kahit Di Mo Sabihin”

Kahit ‘di mo sabihin

Aking napapansin

‘Di na kita pipilitin

Dahil ‘di mo naman aaminin

Nagbago ang higpit ng yakap mo

Nagbago rin kung paano mo tawagin ang pangalan ko

Ang halik mo’y nagbago

‘Di ko alam bakit nagkagan’to

Kahit na hindi mo sabihin pa

Nararamdaman kong ayaw mo na

Ayaw mo nang magpatuloy pa

Kahit na sabihing mahal pa kita

Walang magagawa kung ayaw mo na

Paano na? Hindi ko kayang mag-isa

Kahit ‘di mo sabihin

Damang-dama pa rin

Wala na ang kislap ng ‘yong mata

Tuwing ikaw ay kasama, wala na ang dating saya

Yakap mo’y kay lamig na

Dating sigla, sana’y magbalik pa

Kahit na hindi mo sabihin pa

Nararamdaman kong ayaw mo na

Paano na, ‘pagka’t hindi ko kaya?

Ayaw ko nang masaktan

Paanong pipigila’ng nararamdaman

Kahit na hindi mo sabihin pa

Nararamdaman kong ayaw mo na

Ayaw mo nang magpatuloy pa

Kahit na sabihing mahal pa kita

Walang magagawa kung ayaw mo na

Paano na? Hindi ko kayang mag-isa

Paano na? Hindi ko kayang mag-isa