Julie Anne San Jose – Ang Aking Puso Lyrics

Julie Anne San Jose Lyrics

“Ang Aking Puso”

Alam kong malabo ang aking pag-asa

At malayong magustuhan mo ako

Ngunit libre lamang ang mangarap

At maglalakas-loob na lang

Dadaanin ko na lang sa awit

Ang nilalaman ng damdamin

Ang aking puso ay nangangakong

‘Di ka pababayaan

Ang aking alay ay aking pag-ibig

Na walang-hanggan

Pa’no mo nasabing wala kang pag-asa

Ni hindi sinusubukan man lang?

Kung nakatapat na nga’y malalaman

Na ako’y naghihintay lang naman

Sasamahan pa kita sa awit (sa awit)

Nang malaman mo ang damdamin

Ang aking puso ay nangangakong

‘Di ka pababayaan

Ang aking alay ay aking pag-ibig

Na walang-hanggan

Dadaanin ko na lang sa awit (sa awit)

Ang nilalaman ng damdamin

Ang aking puso ay nangangakong

‘Di ka pababayaan

Ang aking alay ay aking pag-ibig

Na walang-hanggan

Ang aking puso (ang aking puso)

Ang aking puso