Mga Ninuno sa kagubatan
Gabayan ang inyong angkan
Nanlilito at Nanliligaw sa kung saan saan
Naghahanap ng kalayaan
Ligaya at kapayapaan
Ilang laksang tagaraw na ang nakaraan
Ang mga puno ay binuwal
Ilog at dagat ay sinakmal
Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan
Ang Inang Lupa ay hinukay
Ginto at pilak hinalukay
Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan
Mga Ninuno sa kagubatan
Gabayan ang inyong angkan
Nanlilito at Nanliligaw sa kung saan saan
Naghahanap ng kalayaan
Ligaya at kapayapaan
Ilang laksang tagaraw na ang nakaraan
Mga angkahan pinaunlad
Ang karunungan bumukadkad
Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan
Ang kabilugan ng buwan
Lipahang tinungtungan
Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan
Mga sandata’y pinalaksan
Nagdalubhasa sa digmaan
Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan
Magkapatid ang nagkaawayaway
Pulang dugo ang nasa kamay
Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan
Mga Ninuno sa kagubatan
Gabayan ang inyong angkan
Nanlilito at Nanliligaw sa kung saan saan
Ang kalipasa’y sinasamsam
Kalwaka’y kinakamtan
Ang kapwa tao’y itinakwil