Jaya – Di Na Ba Kita Mapipigilan Lyrics

Jaya Lyrics

“Di Na Ba Kita Mapipigilan”

Bakit kailangan pang tayo’y magkatagpo?

Gayong ikaw pala sa aki’y lalayo

Ano ba ang kasalanan at ako ngayon ay iiwan?

Sana’y sabihin mo ang dahilan

Buong akala ko’y ‘di na magwawakas

Pag-ibig ko sa ‘yo ay ‘di pa ba sapat?

Kay sakit naman, bakit ganyan? Ano ba ang pagkukulang?

Sana’y sabihin mo ang dahilan

‘Di na ba kita mapipigilan? At hindi mo na sadyang kailangan

Na pakinggan ang paliwanag ng pusong sa ‘yo’y nagmamahal

Baka naman ika’y nabubulagan? Bakit ‘di ba natin pag-usapan?

Pakinggan mo naman ako kahit na minsan lang, aking mahal

Buong akala ko, ‘di na magwawakas

Pag-ibig ko sa ‘yo ay ‘di pa ba sapat?

Kay sakit naman, bakit ganyan? Ano ba ang pagkukulang?

Sana sabihin mo ang dahilan

‘Di na ba kita mapipigilan? At hindi mo na sadyang kailangan

Na pakinggan ang paliwanag ng pusong sa ‘yo’y nagmamahal

Baka naman ika’y nabubulagan? Bakit ba ‘di natin pag-usapan?

Pakinggan mo naman ako kahit na minsan lang, aking mahal

‘Di na ba kita mapipigilan?

Bakit ba ‘di natin pag-usapan?

‘Di na ba kita mapipigilan? At hindi mo na sadyang kailangan

Pakinggan ang paliwanag, pusong sa ‘yo’y nagmamahal

Baka naman ika’y nabubulagan? Bakit ba ‘di natin pag-usapan?

Pakinggan mo naman ako kahit na minsan lang, aking mahal

Ooh-ooh-ooh, ooh (‘di na ba, ‘di na ba kita mapipigilan?)

(‘Di na ba, ‘di na ba kita mapipigilan?) ‘Di na ba kita mapipigilan?

(‘Di na ba, ‘di na ba kita mapipigilan?) ‘Di na ba kita ma-ah-ah-ah, oh-oh-oh-oh-oh