Jay-R Siaboc – Ikaw Panginoon Lyrics

Jay-R Siaboc Lyrics

“Ikaw Panginoon”

Ang buhay ko noo’y walang kabuluhan

Lugmok sa mga bagay ng sanlibutan

‘Di batid ang daan ng katotohanan

Puso’y ligaw binulag ng kalayawan

Sa awa mo’y tinawag sa iyong bayan

Karumiha’y nilinis at hinugasan

Hinubog ng aral mo na madalisay

Pagkalalang ko ay nagkaroong saysay

Ikaw Panginoon

Ikaw ang aking kailangan

Tanglaw sa isip at pusong nadirimlan

Aliw sa bawat hirap at kalungkutan

Pag-asa sa buhay na walang hanggan

Bawat hakbang katuwiran mo’y aking gabay

Bigay mong espiritu’y umaakay

Sadyang dakila ka aking Ama

Maawaing lubos sapat mapagpala

Ikaw Panginoon

Tanging moog ko at sandigan

Tanglaw sa isip at pusong nadirimlan

Aliw sa bawat hirap at kalungkutan

Pag-asa sa buhay na walang hanggan

Papuri ay laan lamang sa iyo Ama

Bibigkasin na may ligaya

Aawitan at sasambahin tuwina

Tanging ikaw ang yuyukuran

Ikaw Panginoon

Ikaw ang aking kailangan

Tanglaw sa isip at pusong nadirimlan

Aliw sa bawat hirap at kalungkutan

Ikaw Panginoon

Tanging moog ko at sandigan

Tanglaw sa isip at pusong nadirimlan

Aliw sa bawat hirap at kalungkutan

Pag-asa sa buhay na walang hanggan

Pag-asa sa buhay na walang hanggan