Janno Gibbs – Sana Dalawa Ang Puso Ko Lyrics

Janno Gibbs Lyrics

“Sana Dalawa Ang Puso Ko”

Parang kailan lang, buhay ko’y walang gulo

May minamahal at minamahal ako

Nang makilala ka, buhay ko’y biglang nagbago

Ako’y nagtataka, puso ko’y litong-lito

Bakit nga kaya iisa ang puso natin?

‘Di naman natin maaring hatiin

Sana dalawa ang puso ko

Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo

Sana dalawa ang puso ko

Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo

Para bang tukso na ‘di ko kayang matalo

Isip ko’y lito, walang mapili sa inyo

Sabi nga nila, ‘di maaring magpantay

Pag-ibig sa dal’wa, kaya tanong ko lagi ay

Bakit nga kaya iisa ang puso natin?

‘Di naman natin maaring hatiin

Sana dalawa ang puso ko

Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo

Sana dalawa ang puso ko

Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo

Ngunit kung isa sa inyo’y mawawala

‘Di makakaya (‘di makakaya) ang hirap na madarama

Kahit alam kong darating din ang araw

Na pipili ako kung s’ya na nga o kung ikaw

Sana dalawa ang puso ko (dalawa ang puso ko)

Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo (hindi na kailangang pumili pa sa inyo)

Sana dalawa ang puso ko (oh)

Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo (sana, whoa)

Sana dalawa ang puso ko (sana)

Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo (hindi na kailangang pumili pa sa inyo)

Sana dalawa ang puso ko (ooh)

Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo

Sana

Oh, sana

Oh-oh-oh-oh, sana dalawa ang puso ko, ooh

Hmm