Jamie Rivera – Panalangin Sa Pagiging Bukas Palad Lyrics

Jamie Rivera Lyrics

“Panalangin Sa Pagiging Bukas Palad”

Panginoon turuan mo akong maging bukas-palad

Turuan mo akong maglingkod sa Iyo

Na magbigay nang ayon sa nararapat

Na walang hinihintay mula sa Iyo

Na makibakang di inaalintana mga hirap na dinaranas

Sa tuwina’y magsumikap na hindi humahanap

Ng kapalit na kaginhawaan

At di naghihintay kundi ang aking mabatid

Na ang loob Mo’y siyang sinusundan

Panginoon turuan mo akong maging bukas palad

Turuan mo akong maglingkod sa Iyo

Na magbigay nang ayon sa nararapat

Na walang hinihintay mula sa Iyo