Jamie Rivera – Hilumin Mo, Bayan Ko Lyrics

Jamie Rivera Lyrics

“Hilumin Mo, Bayan Ko”

Kung ang bayan ko ay maninikluhod

Sabay sabay sa pagsamo

Sa pangalan ko maninikluhod at tatalikdan ang di wasto

Sa Langit diringgin ko

Patatawarin ang sala niyo

Sa tuwina’y diringgin ko

Hihilumin ang bayan niyo

Panginoon hilumin mong bayan ko

Aming samo magbalik ang bayang ito sa Iyo

Panginoon dinggin at hilumin mong bayan ko

Patawarin mo’t hilumin ang bayan ko

Kami po ngayon ay sumasamo

Dalangin ng aming puso

Sa pangalan mo maninikluhod

At tatalikdan ang di wasto

Aming Diyos sa Iyong awa

Patawarin sa’ming sala

At nawa’y kami’y dinggin

Bayan namin ay hilumin

Panginoon hilumin mong bayan ko

Aming samo magbalik ang bayang ito sa Iyo

Panginoon dinggin at hilumin mong bayan ko

Patawarin mo’t hilumin ang bayan ko

Panginoon hilumin mong bayan ko

Aming samo magbalik ang bayang ito sa Iyo

Panginoon dinggin at hilumin mong bayan ko

Patawarin mo’t hilumin ang bayan ko (panginoon dinggin at hilumin mong bayan ko)

Patawarin mo’t hilumin ang bayan ko