Kung Sakaling Ika’y Lalayo
by J. Brothers
Kung darating man
Ang isang araw
Ika’y lilisa’t
`Di na matanaw
Titigil sa pagikot
Ang mundo
Dahil wala ka na
Sa piling ko
Kung ika’y magmahal na
Ng iba
Anong halaga ang
Mabuhay pa
Dalhin mo na ang
Araw at ang buwan
Na `di na sisikat
Kailanman
Kung sakaling
Ikaw ay lalayo
Dalhin mo na rin
Pati ang puso ko
Pagka’t ito’y
`Di na titibok
Sa buhay na puno na
Ng kirot
Ang tangi ko na lang
Pakiusap
Saan ka man ngayon
O hirang
Huwag sana akong
Kalimutan
Ang ating nakaraan
Na kay sarap
Kung sakaling
Ikaw ay lalayo
Dalhin mo na rin
Pati ang puso ko
Pagka’t ito’y
`Di na titibok
Sa buhay na puno na
Ng kirot
Ang tangi ko na lang
Pakiusap
Saan ka man ngayon
O hirang
Huwag sana akong
Kalimutan
Ang ating nakaraan
Na kay sarap
Sakaling ikaw ay
Lalayo
Sakaling ikaw ay
Lalayo
Sakaling ikaw ay
Lalayo