Inigo Pascual – Binibini Lyrics

Inigo Pascual Lyrics

“Binibini”

Oh-whoa, yeah-yeah, yeah

Oh, kay ganda

Oh, kay gandang mag-alay sa ‘yo

Binibini, sa aking pagtulog

Ika’y panaginip ko

Panaginip ng kathang dakila

Nitong pag-iisip ko

Ang katulad mo raw ay birhen

Sa abang altar ng punong pag-ibig

Oh, kay ganda

Oh, kay gandang mag-alay sa ‘yo (sa ‘yo)

Oh, kay ganda

Oh, kay gandang mag-alay sa ‘yo

Alaala at isip at pagod

Sa ‘yo’y binigay ko raw

Binibini, ang aking dalangi’t dasal

Dininig mo raw

Wika mo raw ay ingatan ka

Magpakailanman ang purong pag-ibig

Oh, kay ganda

Oh, kay gandang mag-alay sa ‘yo (sa ‘yo)

Oh, kay ganda

Oh, kay gandang mag-alay sa ‘yo

Sa ‘king tanong, magkatotoo kaya?

Sagot mo, para nang sinadya

Pagsapit ng magandang umaga

Ako’y bumalikwas din

Panaginip, naglaho’t natunaw

Ngunit nar’yan ka pa rin

Paraluman, ikaw ay akin

Sa bisa ng lakas ng purong pag-ibig

Oh, kay ganda

Oh, kay gandang mag-alay sa ‘yo, oh-whoa (sa ‘yo)

Oh, kay ganda

Oh, kay gandang mag-alay sa ‘yo

Oh, kay ganda

Oh, kay gandang mag-alay sa ‘yo (sa ‘yo)

Oh, kay ganda

Oh, kay gandang mag-alay sa ‘yo